Critical na pagsusuri sa Florante at Laura
Ang pamagat ng akda na ating susuriin ay ang Florante at Laura. Ang akdang ito ay isang piksyon at patulang panitikan na isinulat ni Francisco "Kiko" Baltazar. Si Francisco Baltazar ay isang makatang nagmula sa Panginay, Bigaa. Siya rin ay umakyat sa pinakamataas na luklukan ng mga manunulat ng Pilipino, nakapag-aral ng kanones, batas sa pananampalataya, naging bangtog na mandudula, naging Mayor at Huwes de Sementera sa Udyong, Bataan, at nahirang na dalubhasa sa hukuman ng nabanggit na lalawigan. Ang kahalagahan ng akdang ito ang siyang rason kung bakit hindi dapat natin isabahala ang awit na ito. Itong Florante at Laura ay maraming maituturong aral sa atin at mabibigyan pa tayo ng pahiwatig sa kung ano ang nangyari sa kasaysayan noong sinakop ng mga Kastila ang mga Pilipino. Ang Florante at Laura, mahigit sa katipunan ng lahat ng mga saynete, komedya, at ibá pang tulang sinulat ni Francisco Balagtas, ay siyáng napagtiningan ng diwa niyang pasuwail sa kalakaran ng ...