Himagsik Laban sa Hidwaang Pananampalataya
Isinulat ni: Georgette
Zaldivar
Ang post na ito ay tungkol sa pagsusuri sa himagsik na nakapaloob sa akdang "Florante at Laura" na isinulat ni Francisco Kiko "Balagtas" Baltazar.
Sa akdang ito ni Kiko, may nakapaloob na apat na himagsik:
- Himagsik laban sa malupit na pamahalaan,
- Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya,
- Himagsik laban sa maling kaugalian, at
- Himagsik laban sa mababang uri ng panatikan.
Ang himagsik laban sa
hidwaang pananampalataya ay ipinaloob ni Balagtas sa kaniyang akda upang
maghimagsik laban sa mga Kastila at patunayan na ang mga tao ay mali sa
kanilang mga kuru-kuro tungkol sa pananampalataya. Ang ating bansa ay isinakop
ng mga Kastila noon, at sa mga panahong iyon, ipinalaganap nila ang relihiyong
Kristiyanismo sa ating bansa. At sa mga panahon ding iyon, ikinulong ng mga
Kastila ang mga Pilipino sa kanilang mga kamay, at pinaniwala nila ang mga
Pilipino na ang mga moro noon ay kaaway na magpapahamak sa mga tao, at
pinaniwala nila ang mga Pilipino sa estereotipong ang mga Moro'y asal-hayop at
wala nang maidudulot na mabuti sa mga tao.
Dito sa "Florante
at Laura," ipinakita ni Balagtas na hindi lahat ng moro ay asal-hayop at
maituturing na kaaway. Isang halimbawa ay ang karakter sa akdang ito na si
Aladin. Si Aladin ay isang morong nagmula sa Persiya. Siya ay napadpad sa gubat
kung nasaan ang kawawang binata na si Florante na nangangailangan ng tulong. Si
Florante ay isang kristyanong taga-Albanya na ipinatapon ni Konde Adolfo sa
gubat na iyon. Ang kaniyang bugbog na katawan ay iginapos sa puno ng higera. Sa
mga oras na iyon, nakita niya na lang ang kaniyang sarili na nasa binggit ng
kamatayan. At sa sandali ring iyon ay nakarinig si Aladin ng tunog na
umaalingawngaw, kaya'y tinunton niya ang pinanggalingan ng tunog na iyon.
Nakita ni Aladin ang nakagapos na si Florante na akmang kakainin na ng dalawang
leon. Walang pag-aalinlangan niyang pinatay ang mababangis na hayop at
tinulungan si Florante na kalasin ang pagkakatali ni Florante sa puno.
Sa parteng ito ng akda,
tinuruan tayo ni Balagtas na kahit magkaiba man ang ating pananampalataya,
iisang utos ng langit pa rin ang ating sinusunod. Kung kaya, kahit si Aladin ay
isang moro at si Florante naman ay isang kristyano, hindi nagdalawang-isip si
Aladin na tulungan si Florante. Ipinaalala sa atin ng may-akda, na kahit
magkaiba ang relihiyon o ang pananampalataya natin, hindi dapat ito maging
hadlang upang makatulong sa ating kapwang nangangailangan. Ito ay isang gintong
leksyon na itinuro sa atin ni Francisco Balagtas na ating dapat alalahanin
magpakailanman.
Ang galing!!!
ReplyDeleteAng dami kong natutunan
ReplyDeleteOmg ang galing... ππππ
ReplyDeleteWoah.
ReplyDeleteWell done
ReplyDeleteπππ
ReplyDeleteππ
ReplyDeleteMahusay!
ReplyDeleteNapakahusay
ReplyDeleteMahusaaay!!! Napakadetalyado at marami kang matututunan!
ReplyDeleteMahusaaay!!! Napakadetalyado at marami kang matututunan!
ReplyDeleteLodi
ReplyDeleteππ»ππ»
ReplyDeleteNapakahusayπ
ReplyDeleteMaganda!
ReplyDeleteMagaling! Salamat sa impormasyon
ReplyDeleteMaganda ang iyong pagpapahayag ng pagtingin sa pagtutulungan ng dalawang magkakaiba ang relihiyon. π
ReplyDeleteWaw
ReplyDeleteWawex
ReplyDelete.......
ReplyDeleteok
ReplyDeletenoice
ReplyDeletehttps://www.youtube.com/watch?v=3JmGQTMvO-U